Ang boring na ng buhay ko, wala na si May. Hindi naman sa inaangkin ko siya, pero yung sakit na nararamdaman ko tuwing nakikita ko silang magkasama, di makaya.
Tuesday na ngayon, ilang araw na ba ang nakalipas nung naging sila ni Laurence? Teka, bakit ko ba inaalala yan? Di naman ako kalendaryo. Nagmuntange na ako nito eh. Di na ako makapagfocus sa studies ko sa school, nakakabagabag na.
“Karl, yung baon mo nasa lamesa lang, aalis na ako! Ingat ha!”
“Opo ma, ingat ka rin po!”
Umalis na si mama, at ako rin kailangan ko na ring umalis. Mahaba pa biyahe ko. Tumingin ako sa tapat kung saan nakatira sila May. Nakita ko nanaman yung kotse ni Laurence, kitang kita yung driver. Galing dito sa kwarto ko, kitang kita ko na nasa tapat si Laurence sa bahay nila May.
Toktoktok. Ang katok ni Laurence sa bahay gate na may kahoy nila May. Lumabas si Tita Kel.
“Oh Rence, ang aga mo naman,”
“Di po ganito lang po talaga ako, the early bird ika nga,”
Napatawa si Tita Kel.
“Hahaha, oo nga naman, Oh siya, pumasok ka muna, inaayos lang ni May yung bag niya,”
“Hindi na po, ayos lang po akong maghintay dito,”
“Eto naman oh, tinuturing ka na naming pamilya,”
“Salamat po, hehehe,”
Bigla-biglaang lumabas si May papalabas ng bahay.
“Ma, alis na po kami,” sabay halik si May sa pisngi ni Tita Kel.
“Ingat kayo ha,”
“Syempre naman po,”
Nagbbye na si May pati si Laurence, as usual, ang geeeentleeeman na si Laurence pinagbuksan ng pinto si May.
Toot toot toot. Shoot! Malalate na ako. Di ko na napansin dahil dun kela May at Laurence.
“Naman! Malalate na ako nito,” nagmadali kong sinuot yung bag ko at bumaba na parang hinahabol.
Lumabas na ako, ni-lock ang mga pinto at pumara ng tricycle. Kung nagtataka kayo kung bakit di ako sumabay sa service, kasi pinapagawa yung nasirang parte, kaya pinakiusapan lang kami na kahit isang araw lang.
“Manong sa O.P.C.A. nga po,”
“Anong gate?”
“Gate 2 po,”
Tumingin na si manong drayber sa daan, at inistart yung tricycle. Habang nasa daan kami, andami kong naisip. Tulad ng;
Close nga kami, pero yung puso niya closed na.
Mga 30 minutes din yun nang makarating ako sa gate ng school. Woooh! Akala ko malalate ako, advance pala ng 30 minutes yung relo ko. Boom! Pero ayos na yun para safe. Phew! Grabe yon. Close call.
Ilang minuto lang, nakarating na ako sa classroom. Sobrang aga ko nga talaga. Nakita kong si Kate palang ang nasa loob, naglilinis sa classroom. Heh, masipag talaga siya.
Nilapitan ko siya ng dahan-dahan, at ginulat.
“BOO!” sabay tapik sa likod ni Kate.
“Ay tao!” ang gulat ni Kate.
“Syempre tao ako. Ikaw talaga class pres.,”
“Grabe ka naman kasi Karl. Sino ba namang hindi magugulat,” hinampas niya ako sa braso.
“Ansakit naman nun class pres.,” ang sabi kong medyo paawa. Masakit naman kasi.
“Hala, hala. Ss-o-rr-y,” hinawakan niya yung braso kong hinampas niya.
“‘Di, okay lang yun,”
“Hi-hindi okay yan, namumula n-na,”
“OA ka naman pres. hampas lang to e, di naman gaanong masakit, napalakas lang ng sadya yung hampas mo,”
Biglaan niya binitawan yung braso ko at nag-sorry ulit. Di ko talaga maintindihan si pres., parang sirang-plaka, palaging kabado.
Ilang minuto lang, may tao sa may pinto ng classroom.
“Uhm, excuse me po,” lumapit si Kate.
“Bakit po?” ang tanong ni Kate na may hawak na walis.
“Nandito po ba si Kuya Karl?” ang tanong din nung babaeng nasa labas. Wala naman akong paki kasi kinukuha ko yung gamit ko sa locker. Pero naririnig ko yung usapan nila. Kaya nung narinig ko yung pangalan ko, lumapit ako.
“Ako si Karl, bakit?”
“Kuya, pwe-pwede po bang ano?”
“Ano ba yon? Papaturo ka sa homework?”
“Uh, hindi po. A-no,” huminga ng malalim yung babae. “Pwede po bang kuhanan ko ikaw ng solo?”
“Ha?! Ako?! Picture? Bakit ako? Para saan ba yan?” ako namang tila gulat na di ko alam na ang gagawin ko. Tsaka ano ako? HEARTTHROB?! Imposible. Hahaha.
“O-opo, para po dun sa pinsan ko,”
“Pinsan… Ah… Sino ba yang pinsan mo?”
“Di ko po pwedeng sabihin e. Sorry kuya,” ang mukha niyang talagang nanghihingi ng patawad na may halong kaba sa pagsasalita niya. “Kuya, sige na po,” ang nagmamakaawang sabi niya.
“Teka muna, ano bang pangalan mo?”
“Lisette po,” ang mahiyang sinabi niya.
“Ahh, sige Lisette, saan ba ako pwe-pwesto?”
“Kahit dyan na po, uhm, sige po,” sabay labas nung SLR niyang camera, Canon pa. “Game na po. One, two, three,” at nagshutter na. “Thank you po talaga kuya,”
“Walang anuman yon,”
Tumakbo papalayo si Lisette.
“Nice one Karl, heartthrob!”
“Hala, ASA ka Kate, ako? Grabe, di naman ako gwapo e,”
“Ha-” naputol yung sasabihin ni Kate kasi dumating na si Ciel.
“Oh! Ang aga natin pre!”
“Naadvance kasi yung relo ko, Hahaha!”
“Hahaha, yan ang napala mo, andami kasing iniisip tungkol kay Ma-” sinipa ko si Ciel sa paa, pero di naman ganon kalakas.
“Ansakit nun Karl, nakadalawa ka na ah,”
“Kasi pre, alam mo ba yung, ZIP YOUR MOUTH?”
“O-na. Naistorbo ko ata kayo ni pres.,” napatingin siya kay Kate. “Mukha nga,”
“Hindi naman,” ang sabat ni Kate.
“Sabi mo e,” ang sabi ni Ciel kay Kate na parang di naniniwala. “Oo nga pala pres., yung coke float ko ha,”
“Uhm, okay, hintayin mo nalang ako. Magsusulat pa kasi ako sa class journal,”
“Super duper suuuuure,”
Bumalik sa pagwawalis si Kate at binulungan ko si Ciel.
“Ikaw pre ah, sumoscore!”
“Karl, gising na! Diba may flag ceremony kayo ngayon?” ang pasigaw na tanong ni mama na nasa ibaba.
“Sag-lit. 5 minutes lng,”
“Gumising ka na! Kailangan pa ba akong umakyat para gising kita ha?”
Urgh, sarap ng tulog ko e. Ganda pa ng panaginip ko! Nasa climax na. Dali dali naman akong bumangon. Medyo inayos ko yung buhok ko. Tapos bumaba ako.
“Bat ambango? Ano ulam ma?”
“Tingnan mo kaya. Bat ba ang hirap hirap mong gisingin? Tuwing Monday ganyan ka,”
“Di ka pa nasanay ma, pagbigyan mo na ako magggraduate na ako e,”
“Umayos ka nga, pagnalate na masisira record mo sa school,”
“Ona, kakain na po ako,”
“Ikaw ha, di porket malapit ka na magcollege sasagut-sagutin mo na ako ng ganyan,”
“Opo inay,”
“Ay ewan ko sayo, oh eto paborito mo,”
“I love you ma, da best ka e!”
“Go ahead, dig in! Para ba sa anak ko e,”
“Si mama pa-english english pang nalalaman, sige po papakainin ko na ang alaga ko sa tyan,”
Pagkatapos ko kumain, naligo ako kaagad at sinuot ang bagong plantsang uniform. Medyo nag-antay ng unti tapos sumakay sa service ko. Di na ako nagulat na di sumabay si May. Paniguradong sinundo na siya ni Laurence.
“Kuya Karl, nasan si ate May?” ang tanong sa akin ni Nyx.
“Sumabay ata sa boypren niya,”
“Woah, may bf na si ate, kelan pa kuya?”
“Nung Sabado lang,”
“Eh pano ka na niyan?”
“Bat ka ba tanong ng tanong?”
“Errrrr, curious ako, obvious ba?”
“Hahaha. Edi ikaw nang curious,”
“Di nga kuya sagutin mo muna tanong ko,”
“Wag mo nang alamin, ayan na bababa na,”
“Daming palusot! Kung di lang sa kabilang building yung mga fourth year e,”
“Nako, second year ka palang, mag-aral ka muna bago mo atupagin yung usapang ganyan,”
“Asaaa! Eh anong tawag mo sayo?”
“Tama na, uy baba na!”
“Ewan ko sayo kuya,”
Bumaba na si Nyx, tapos sumunod din ako. Grabe, muntik na! Halatang di siya naniniwala e. Pumunta na ako sa building ng fourth year. Section 4-1 ako.
“Dude!” ang sabi ni Ciel na may apir pa.
“Dude! Musta weekend?”
“Ayos lang, ikaw? I mean, kayo?”
“Anong kayo?”
“Kayo ni M-” hinampas ko siya sa balikat. “Ansakit nun pre, may problema ba kayo?”
“Di ba halata?”
“Sensya naman, di ako manghuhula e,”
“Oo meron e, kwento ko sayo pagbreak,”
“Sure dude, anytime,” ang sabi niya na may biglang sumabay na classmate. Si Kate.
“4-1 bumaba na daw sa gym!” ang sabi niya sa buong klase pero walang nakikinig. Nilapitan ko siya.
“Kate, gusto mo ako nalang magsabi?”
“Uh, sige, kung okay lang sayo,”
Sinigawan ko yung mga classmate ko na tila nagulat ata. “4-1! Attention! Sabi ni class pres. na bumaba na sa gym para sa flag ceremony!”
Di ako sigurado pero parang narinig ko si Kate na mag-Thank you sa akin. Kaya di ko din mapigilang mapangiti.
“Grabe ka naman Karl, di mo kailangan sumigaw,” ang sabi ni Tyler sa akin.
“Eh kasi naman parang wala kayong naririnig,”
“Uy tama na, baka malate pa tayo,” ang sabi ni Kate na pinigilan kaming mag-away ni Tyler.
Bumaba na kami sa gym tapos ang 4-3 ang in-charge sa ceremony. At nandun si May, siya yung kakanta ng hymn namin sa school. Ibang klase talaga siya. Kaya ako na-inlove sa kanya. Pero ngayong may mahal na siya, kailangan ko na ba siyang ilet go? o itutuloy ko pa ba at umasa na may mangyayaring maganda sa amin? Di ko din alam, kung sinabi ko lang nung simula palang.
Natapos na yung ceremony at nagannounce ang head teacher. Nagsalita din ang principal tungkol sa graduation ng mga fourth year. Pagkatapos noon, pinaakyat na kami para sa first period. Hanggang sa magbreak, nilapitan ako ni Ciel.
“Pre, ano yung tungkol sa inyo?”
“Ah, lapit dali,”
“May boyfriend na si May,”
“Oh, ano nang gagawin mo?”
“Di ko nga alam kung itutuloy ko pa tong nararamdaman ko o bibitawan ko na,”
“Bitawan mo na pre, masasaktan ka lang ng sobra, aasa ka lang sa wala, tsaka madaming babae dyan,”
“Kaso pre, masama ba kung magkaroon ako ng onting pag-asa?”
“Desisyon mo yan pre, binibigyan lang kita nang advice,”
“Salamat pre, naguguluhan lang talaga ako sa dapat kong gawin, madidistract pa ako nito sa school,”
“Kalimutan mo nalang yan pre, andyan naman si Kate oh, si Angel pa, andami kayang babae sa mundo,”
“Pero pre, iba iba ang tao, at isa lang ang May sa mundong to,”
“Alam ko yun pre, ang pinopoint out ko lang, kung ang kinabukasan mo maaapektuhan ng sobra wag na. Ikaw din magsisisi balang araw,”
“Ang hirap pre,”
“Ganun talaga, love comes and goes,”
“Grabe Ciel, ano nangyayare sayo? Ikaw ba yan?”
“Hahaha. Adik pre! Oo naman ako to! Tsaka pre may college pa,”
“Sa bagay, salamat talaga pre, medyo gumaan yung pakiramdam ko, libre kita ng burger maya,”
“Syempre pre, para sayo eh, alam mo namang mahal na mahal kita, pa-kiss nga!”
“Baliw! Umayos ka nga tinitingnan tayo,”
Nagtawanan nalang kami ni Ciel hanggang matapos yung Break. Nagstart din ang second period hanggang sa mag fourth period, English, kung saan magmemerge ang 4-1 tsaka 4-3, mang klase nila May.
“Kate!”
“Oh bakit Karl?”
“Magmemerge pa ba tayo tsaka ng 4-3?”
“Oo eh, wala pa rin kasing nakukuhang isa pang English teacher,”
“Ah, salamat,”
“Bat mo naman natanong?”
“Wala yun,”
“Sige, ay onga pala, dito sila magsstay,”
“Ahh okay,”
Maya maya, pumasok na ang 4-3. Nag-hi sa akin si May pero pinamukha kong di ko nakita. Eto namang si Laurence nasobrahan ng pagkagentledog, este gentleman. Lahat ba naman ng gamit na hawak ni May siya ang may bitbit. Kaya naman ni May yung gamit niya ah. Edi sila na! Pagkaayos nila sa ibang upuan, pumasok na si Ma’am at nagsimulang nagturo.
Buong oras na tumitingin-tingin sa akin si May, tapos nang mapansin ni Laurence, hinawakan niya yung kamay ni May. Pero di ko nalang pinansin.
Natapos na yung period after one hour, at inapproach ako ni May.
“Ui! Bat di ka namamansin?” tanong niya sakin.
“Eh paki mo ba? Nag-lelesson kaya si Ma’am,”
“Ang galing mong magpalusot!”
“O-na, bumalik ka na dun sa classroom mo, may next subject pa kami,”
“Edi okay,” yung pagkasabi niya yung tipong nabibwisit na.
Lumabas na siya, na kulang na lang ibalibag yung pintuan. Lumapit naman sa akin si Ciel.
“Pre, bat ka ganyan?”
“Anong ganito?”
“Ano, pano ba to,”
“Ano?!”
“Nagseselos,”
“Sino? San banda?”
“Pre naman,”
“Ang tino tino ko ah,”
“Asa pre,”
“Ewan ko sayo,”
“Ganyanan? Di joke, ‘to naman sineryoso,”
“Pero pre, inaamin ko nagseselos ako,”
“Kaw ha, kung meant-to-be naman kayo, si Lord ang nakakaalam,”
“Naks, gumaganon! Apir!”
“Tumigil ka nga, wag kang change topic,”
“Di naman ah, tsaka alam ko namang wala na akong pag-asa dun,”
“Sus!’
“Diba ang sabi mo nga, madaming babae jan?”
“Eh pre tanda mo ba yung sinabi mo?”
“Oo naman, pero narealize ko na tama ka nga,”
Napabuntong hininga si Ciel at tinapik yung likod ko. Nginitian ko na lang siya, para kahit papano matigil na tong usapang pag-ibig na pilit kong iniiwasan. Pano ba ‘to? Forever single?
—End of chapter 2—
(Source: staringblanklyahead)
CHAPTER 1
Alam mo yung torpe? Yun kasi ang tawag ng tropa ko sa akin.
Di ko maamin amin sa kanya yung nararamdaman ko. Simula pa nung bata pa kami crush ko na siya, ang ganda niya. Pero higit sa lahat di dahil sa maganda siya kaya ko siya nagustuhan.
Papunta ako ng comp. shop, magdDOTA ako. Nakasanayan ko nang pumunta ng comp. shop tuwing biyernes. Bawal daw kasi pag may pasok sabi ni mama. Tsaka kaya lang naman ako pumupunta para makasilay.
“Miss, isang oras nga,” ang sabi ko kay May.
“Etong Karl na to, parang di tayo niyan magkakilala simula pa nang bata pa tayo.” ang patawa na sabi niya sakin.
“Oist dali! Maglalaro pa ako,”
“Eto na po, dinaldal mo kasi ako e,”
“Daliiii!”
“Eto oh, Number 7,”
Nginitian niya ako, ang cute cute ng ngiti niya, parang anghel na bumaba sa lupa. Grabe si Kupido, yung pana niya saktong sakto sa puso ko. Nainis lang ako kasi yung mga nasa likod kong kakapila lang napangiti, kala siya yung nginitian. Pumunta na ako sa computer number 7 at naglaro ng DOTA.
“Win! Ang weweak naman ng kalaban ko,” napasigaw ako.
“Yabang! Isa pang laro,” ang hamon nung katabi ko.
“Sige ba,”
Lumapit bigla si May, parang may importanteng sasabihin.
“Ui Karl! Tapos na yung isang oras mo! Tsaka tumawag si Tita Angie, tinanong kung nandito ka,” ang sabat ni May sa hamunan namin nung katabi ko.
“Sana sinabi mo nagdate tayo!”
“Asus man manong! Asa ka naman,”
“Malay mo!”
“AYIEE!” ang sabi nung mga nasa comp. shop.
Nakita ko sa mukha ni May na nahiya siya dun sa sinabi ko, naconscious ata. Pero gustong gusto ko naman, sana nga magdate kami. Kaso sa sagot pa lang niya, imposible na. Biniro ko lang, sineryoso agad. Pero bukas! Bukas talaga, sasabihin ko na sa kanya.
Nginitian ko nalang ule siya, palagi namang ganon, tapos umuwi na ako.
Kinabukasan, pumunta ako sa comp. shop nila May.
“Tito Peter, nasaan po si May?” ang tanong ko sa tatay ni May.
“Nako Karl, umalis siya e. Di ba sinabi sayo?” ang tanong ni Tito sa akin.
“Di po eh. Tsaka di naman po niya kailangang sabihin,”
“O sige Karl, may gagawin pa ako e,”
“Thanks Tito,”
Tinext ko nalang siya.
“Ui Ganda, san ka ba pumunta? Umalis ka daw sabi ng papa mo.”
“Bakit pogi? Paki mo ba? Susundan mo ba ako?”
“Syempre pogi ako, nasa tyan palang ako ni mama. Oo paki ko, may sasabihin pa naman ako. Nasan ka ba kasi? Wag mong sagutin ng tanong ung tanong ko.”
“Aysus. Pogi daw siya. HAHAHA :D Gumagawa kami ng Physics project sa bahay ni Ahya. Kasama ko sina Laurence pati Geoff. Sabihin mo nalang pag-uwi ko, atat kasi. Oh siya maya nalang, baka di pa namin to matapos.”
“Sige, basta ha.”
Dun nagtapos yung usapan namin sa text. Buti na lang, kala ko kung san pumunta e. Pero ambigat ng pakiramdam ko, kinakabahan ako, di ko alam kung bakit. Tinapos ko nalang yung mga assignments ko hanggang makita ko sa bintana na umiiyak si May. Dali dali naman akong bumaba.
“Oh ganda! Bat umiiyak ka? Sinong umaway sayo? Suntukin ko!”
Humihikbi, “Kami na ni Laurence,”
“Anak ng tilapia! Gumawa lang kayo ng project tapos pagbalik mo kayo na agad,” ang laking gulat ko.
“Oo e. Dapat nga masaya ako e, kaso nung malaman ko na may gusto rin siya sa akin napaiyak ako sa tuwa,”
“Ang drama mo, grabe umiyak ka talaga,”
“Eh kasi-“
Sinubukan ko siyang pigilan ituloy yung sasabihin niya, “Oh siya siya, umuwi ka na at punasan mo yang luha mo, eto panyo,” inabot ko sa kanya yung checkered kong panyo.
“Thanks pogi, oo nga pala, ano yung sasabihin mo sa akin?”
“Ah wala yun,”
“Di nga ano yun?”
“Ang kulit mo, wala nga eh. Sige na, gagawa pa ako ng assignments,”
“Okay, sabi mo e,”
Pagpasok ko ng bahay, tinanong ako ni mama kung kakain ako, pero sabi ko busog pa ako. Di ko matanggap na sila na ni Laurence, sasabihin ko na sana sa kanya, pero walang kwenta din, basted rin ako sa huli. Torpe kasi ako. Torpe!
Pumunta ako sa CR at naghilamos, tila gulung-gulo at di makapaniwala sa nalaman. Binuksan ko yung laptop at in-on ang Wi-fi. Binuksan ko agad yung Facebook ko at nagstatus, “Kung di lang ako …, sana di ako naunahan.”
Ilang minuto lang, nagcomment si May, “Sinong madrama sten ngayon, sows ano nanaman yan?”
Nagcomment din ako sa comment box tapos nilike ni May yung post ko, “Wala yan. Ako madrama? Di bagay sakin yun.”
Maya maya, chinat ako ni May.
May> Ui poging manong na nagngangalang Karl.
Me> Oh bakit binibining ubod ng ganda?
May> Galit ka ba sa akin?
Me> Ako, galit? Imposible ah.
May> Eh kasi parang galit ka knina :|
Me> Di nga. Tsaka bat naman ako magagalit?
May> Talaga lang ha. Parang gulat na gulat ka na kami na ni Laurence e.
Me> Onga. Syempre sino bang hindi magugulat! Ang ungas kong kababata nagkaboypren.
May> Ewan ko sayo. Sinabi ko rin kay papa pero walang reaksyon, matagal na daw palang sinusuyo ni Laurence si papa. Pero sabi ni papa na pag umamin siya sakin, paniguraduhing di ako madidistract.
Me> Nice.
May> lol. Wala ka bang nililigawan?
Me> Meron, pero may bf na pla. :D
May> Awww. Sino naman yan?
Me> Secret. haha
May> Sige na, sino?
Nag-out ako bigla sa FB ng walang pasabi kay May. Pagkatapos ng dalawang minuto, may nagtext saken.
From: Gandang May
Ui pogi. Bat bigla kang nag-off? Di ka man lang nagbye.
Inisip ko kung magrereply pa ako o hindi. Pero di ko na tinuloy. Tinulugan ko nalang.
“Karl, gising na! Magsisimba na tayo!”
“Uhhh, saglit!”
“Dalian mo! Sasabay sila May saten,”
“Eto na maliligo na,”
Ang gandang pambungad, si May sasabay samin. Bat di na lang siya sumakay sa kotse nila Laurence. Tutal naman sila na. Panira ng araw.
Pagsakay ko sa kotse, magkatabi pala kami ni May.
“Karl, bat di ka nagreply kagabi?”
“Nakatulog ako e,”
“Weh? Baka galit ka nga sakin?”
“Hindi nga,”
“Talaga lang ha,” tumunog yung cellphone niya at nasilip ko na si Laurence yun.
“Kaw ha. Magkikita naman kayo mamaya. Masisira mata mo niyan,”
“Ay ewan ko sayo Karl,”
Tahimik lang kaming dalawa sa kotse habang nagtatawanan lang sila mama’t papa pati sila Tito Peter at Tita Kelly. Nang makarating kami sa simbahan, nandun si Laurence, hinihintay siguro si May.
“May si Laurence oh!” ang sabik na sabi ni Tita Kel.
“Ma naman! Mahiya ka naman oh,” nagbblush siya, at ngayon ko lang nakita yon.
“Aba, dalagang dalaga na ang anak mo mars,”
“Oo nga e, matagal na nga kaming sinusuyo ni Laurence, di lang alam ni May,”
Nak ng tilapia talaga. Nagseslos ako. Pero wala akong karapatan, kasi di naman kami. Hanggang pangarap lang siguro to. Ibabaon ko nalang sa hukay yung mga nararamdaman ko sa kanya.
Nung nakapagpark na si papa, bumaba agad si May tapos pinuntahan niya si Laurence. Syempre, ako namang si torpe, sunod din.
“Pre! Congrats!”
“Salamat pre, mauna na kami sa loob ng simbahan,” ang sabi ni Laurence na parang nagyayabang.
“Sure dude,”
Pumasok nga sila tapos ako naman tipong loner ang eksena. Yung mga magulang namin nauna na rin. Di ako umupo sa mga upuan, bale nakatayo lang ako sa gilid. Nakakahiya namang tumabi kay May.
Pagkalipas ng isa’t kalahating oras, natapos yung misa. Di ako makapaniwalang di ako nakinig. Eto ata yung side effect ng pagiging heart broken?
—End of Chapter 1—
(Source: staringblanklyahead)